Ang pangkat katkatera at pulutong talakera, buong0buo ang pananalig na mas lumagabab ang hiwalayan isyu na ang mga bida-bida ay sina Kim Chiu at Issa Pressman. Mga kay gagandang mga babae pero ang mga lalaking kanilang minamahal, ang lahat a nagsasabing tuyo na ang damdamin at wala na ang pagmamahal para sa kanila. Kay saklap! Kay sakit!
Ang tinaguriang pambansang harot, si Chiu, na hinanahangaan dahil sa brillo at husay niya bilang si Juliana sa world-wide paboritong “Linlang”, mas lalong umigting ang pananalig ng pangkat katkatera na talagang may tuldok na ang relasyon nito kay Xian Lim.
Sa kanyang IG account, may apat na bahaging paglalahat ang aktor-direktor tungkol sa kanyang buhay, sining, sitsit at tsismis. Ang nakakatumbling na pagkatapos ay may split na obserbasyon, walang kahit na anong pag-amin o pagtanggi tungkol sa estado ng kanilang relasyon at kasulukuyang sitawasyo nila ni Kimerly Sue ang mababasa sa IG posts nito.
Best in English ang paglalahad ni Alexander, huh! Kahit paulit-ulit mo itong basahin, walang “yes, we are still together” na pangungusap sa kanyang IG post.
Ang pangkat katkatera, ang pakiwari ay “mataray” ang tono ng isinulat I Lim sa IG, paikot-ikot ito sa kung anong bagay-bagay at walang direktang patungkol sa relasyon nila ni Chiu.
Dahil nga ang daming paligoy-ligoy ng kanyang ipinangalandakan sa IG, mas lalong umigting ang naglalagablab na duda at kutob na hiwalay na nga talaga sila.
Kay Issa Pressman naman, hindi na nila sinusubaybayan ni James Reid ang isa’t-isa sa Insragram. Pati ang Careless, hindi na rin sinusubaybayan ni Pressman.
Pagmamaganda mula sa pulutong talakera: “Should we care? Alam dapat ni Issa na ang relasyon nila ni James eh doomed to begin with. Saan niya kasi kinuha ang ilusyon niyang they are obsessed with each other?”
At dahil nga god of death na si Hades si Reid, sa Opulence Ball, at siya si Persephone na asawa nito, ayan na nga, nag-manifest ang death sa kanilang relasyon. Hindi nga ikina-guwapo ni James ang pagiging Hades dahil yung suot niyang all black ensemble, lalong nahalata ang pagiging vertically challenged niya. Si Issa naman bilang Persephone, nagsusumigaw na datingang starlet na kulang na kulang sa pansin.
Ang piso ba tataas ang halaga laban sa dolyar dahil sa hiwalayang James at Issa? Hindi! Lilinaw ba ang ilog Pasig dahil hiwalay na ang de kolor at puti nina Pressman at Reid? Hinding-hindi! Ngayong kalat na kalat ang hiwalayang Yasmin Isabel at Robert James, ano ang mangyayari sa kanya? Ano pa nga eh di finality the WHO! Yun na!
Eh sa pagiging biyuda sa buhay ni Kimber Sue at sa mala-pang “beauty queen” na paglalahad ni Alexander Xian, sapat na ba na lahat tayo ay mag-“read between the lines”dahil ang pilit na pilit na paglilihis ni Lim sa hiwalayan nila ay siyang nagususumigaw na subtext sa kanyang long and winding bersiyon ng katotohanan.
Time is the ultimate truth teller tkaya banagan na lang natin ang nagusumigaw na katotohanan sa tamang panahon tungkol kay Kim Chiu at Issa Pressman.