Nakatakda nang bumalik sa Pilipinas ang nasa 41 na Pilipinong nasa Cairo, Egypt na matagumpay na nakalikas mula sa Gaza kung saan nagpapatuloy pa rin ang sigalot sa pagitan ng Israel at ng teroristang grupong Hamas.
Ayon sa mga opisyal ng pamahalaan, isang Pilipina pa ang nagpaiwan dahil umano sa medical condition ng kanyang asawa.
Nitong Sabado 14 na Pinoy at 9 na Palestinians ang nakatawid sa Rafah Border Crossing at pasado ala una ng madaling araw kanina oras sa Egypt lumipad na pauwing Pilipinas ang 41 pinoy.
Laking pasasalamat naman ng mga Pinoy sa walang sawa umanog pagtulong sa kanila ng gobyerno.
Nitong nakaraan, may kabuuang 14 na Pinoy at siyam na Palestinians ang tumawid nitong Sabado sa Rafah Border Crossing sa pagitan ng Gaza Strip at Egypt na dumating sa Cairo at nakumpleto nito ang ikalawang batch ng 53 indibidwal na tumawid sa border ngunit naharang matapos na mabigo sa mga pagsusuri sa seguridad.
Malugod silang tinanggap ng Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin H. Tago at ng International Organization for Migration na tutulong sa kanila na makuha ang kanilang flight ticket sa Pilipinas.
Noong Biyernes, 42 Filipino at 8 Palestinian spouses ang dumating sa Cairo.
Inaasahang makauuwi sila sa Pilipinas ngayong gabi ng Sabado.
Samantala, muling bubuksan ngayong linggo ang Rafah land crossing papuntang Egypt ayon sa Gaza’s border authority.
Ang pagtawid sa pagitan ng Gaza at Sinai peninsula ng Egypt ay ang tanging daanan papasok sa strip na hindi kontrolado ng Israel, rason kung bakit mapanganib ito sa mga aid truck at libu-libong evacuees.
Dagdag pa ng Egyptian sources, ang border ay nakatakdang mag-operate alas nuwebe ng umaga (local time) o bandang alas tres ng hapon naman (Philippine time) para sa mga dayuhan at medical evacuees.
Inanunsyo ngayong araw ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt na nasa kabuuang 98 Pilipino na ang ligtas na nakaalis mula sa Gaza strip na punterya ng pambobomba sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas.
Ito ay matapos na ligtas na makatawid sa Rafah border ang ikatlong batch na binubuo ng 14 na Pilipino at kasalukuyang nakapasok na sa teritoryo ng Egypt noong Nobyembre 10.
Ayon kay PH Ambassador to Egypt Ezzedin Tago, kasama ng 14 na Pilipino ang kanilang pamilyang Palestinian national at mainit na tinanggap ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt sa pangunguna ni Vice Consul Bojer Capati.