Aninnampu’t isang terorista at rebelde sa Mindanao ang na-neutralized ng militar mula Setyembre 5 hanggang Nobyembre 2, ayon sa Western Mindanao Command ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa tala ng WesMinCom, naisagawa ang pag-neutralize ng mga terorista at rebelde sa mga isinagawang operasyon ng mga Joint Task Forces sa kanluran, sentral at katimugang Mindanao.
Dalawampu sa 61 ay mga miyembro ng Dawlah Islamiyah, 15 ay kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at 26 naman ay miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Sa paggapi ng mga nasabing kriminal, nakuha ng mga sundalo sa kanila ang 56 armas na may iba-ibang kalibre.
Dalawampu’t apat rito ay mula sa 24 ASG, 15 sa BIFF at 17 sa DI.