No less than premiere actress Iza Calzado ang nagpahayag ng suporta sa aktres na si Belle Mariano matapos mag-viral ang dalaga sa kanyang Darna costume nang dumalo ito “Shake, Rattle, and Ball” kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Donny Pangilinan na nagbihis naman bilang Captain Barbell.
Ibinahagi ni Belle ang mga larawan nila ni Donny sa Instagram na agad umani ng mga komento mula sa madlang pipol at kanilang mga tagasuporta.
Isa na nga sa mga nagkomento rito ay ang aktres na si Iza Calzado at isa rin sa mga gumanap bilang unang Darna sa Kapamilya 2022 TV fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna”.
Sey ni Iza kay Belle, “I can see it!!! Alagaan mo ang bato!!”
Super happy naman ang mga supporters ng dalaga sa naging pahayag ni Iza.
Kaya naman hindi na rin kataka-taka na maraming mga netizens ang nagpaparinig sa Kapamilya network na gumawa ng Gen Z version ng Darna at ang napupusuan naman nilang Valentina ay si Andrea Brillantes.
Sa ngayon ay abala sina Belle at Donny sa kanilang series na “Can’t Buy Me Love” directed by Mae Cruz-Alviar.