Katatapos lang ng isang araw ng matinding pagsasanay ng dating world boxing champion na si Jerwin Ancajas nang malaman niya ang masamang balita kung saan kinailangan niyang kurutin ang sarili para tingnan kung nananaginip lang siya.
Nang napagtanto niyang gising na gising siya, kinailangan niyang magtanong sa paligid para kumpirmahin kung talagang ipinagpaliban ang kanyang 15 November showdown sa defending champion Takuma Inoue.
Hindi nagtagal, naglabas ng opisyal na anunsyo ang kampo ng World Boxing Association bantamweight champion sa social media.
“We were getting ready for our trip to Tokyo,” saad ni Ancajas sa Daily Tribune mula sa kanyang training camp sa Las Vegas nitong Martes.
Plano sana ng kampo ni Ancajas na lumipad mula sa Los Angeles sa 3 Nobyembre upang sila ay makapag-acclimatize at makapag-adjust sa pagkakaiba ng oras sa Japan.
Ngunit kailangang maghintay na naman si Ancajas bago siya magkaroon ng pagkakataong manalo ng world title.
“I was told that it could be rescheduled for January or February of 2024,” sabi ni Ancajas.
Nangyari umano ang kanselasyon ng laban ni Ancajas kay Inoue dahil nagkaroon umano ng rib fracture ang Hapon at matitigil ang training nito ng halos isang buwan.
“Doctors have advised him not to engage in training for four weeks so it will take a while before he could resume his workout,” sabi ni Ancajas.
Para kay Ancajas, ang postponement ay hindi na bago sa kanya dahil ito na ang pangatlong beses na nakaranas ng postponement o cancellation ang boksingerong Pinoy.
Noong huling bahagi ng Oktubre ng 2019, lalaban sana si Ancajas upang idepensa ang ang kanyang International Boxing Federation super-flyweight title laban sa Mexican na si Jonathan Rodriguez sa Carson, California pero dalawang araw bago ang laban, na-kansela ang laban matapos lumutang ang mga isyu sa visa ni Rodriguez.
Pagkalipas ng dalawang taon, nakatakdang lumaban ni Ancajas kay Kazuto Ioka ngunit kinansela ito ng pandemya ng coronavirus habang isinara ng Japan ang mga hangganan nito.
Gayunpaman, si Ancajas, kahit na heartbroken, ay umuusad at inaabangan ang rescheduled date.
“At least, the fight was not cancelled but was just postponed,” sabi ni Ancajas. “We have decided to slow down in sparring. Instead of sparring more rounds, we will just do three or four rounds to keep in shape.”