Hindi na bago sa aktres at TV host na si KC Concepcion ang mga bali-balitang buntis umano siya, pero dahil halos paulit-ulit na lamang ang isyu kaya hindi na maiwasan ng dalaga ang mapikon.
Sa kanyang IG, sinagot ni KC ang mga netizen sa pamamagitan ng “Ask Me Anything” at ang ilang mga tanong nga na lumutang ang ay tungkol sa umano’y pabagu-bago niyang itsura.
Hirit ng IG follower ng dalaga, “Y nmn super pa alter ng face?” Sagot sa kanya ni KC, walang binago sa mukha niya at naka-make-up lang daw diya nang sandaling yun.
“Ano bang pinagsasabi ninyo guys, ha? Make-up lang yan. Just relax, okay? And be happy,” sabi ni KC.
Sinagot din niya ang nagtanong na netizen ng, “Are you really pregnant?”
“Guys old news na yan. No, I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know. Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang,” ang tila bwisit na bwisit nang sabi ni KC.
Ilang beses na kasing natsismis na buntis si KC at paulit-ulit din niya itong dinenanay.
“Once & for all: What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life,” aniya noong una siyang matsismis na nagdadalang-tao.
Taong 2019 nang mabalitang pregnant siya uli ulit na mariin din niyang itinanggi.
“You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already. That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON. I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!” paglilinaw ni KC.