Laman na naman ng social media ang aktres na si Andrea Brillantes matapos nitong magpost ng isang statement na mayroong koneksyon sa “karma.”
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang screenshot ng Instagram post ng American rapper, singer at songwriter na si Shaquille Pinckney noon pang March.
“I don’t wish bad on anyone, but you reap what you sow in life. You don’t treat people bad and expect to live a good life,” ayon sa quote na nasa screenshot.
Sabi ni Andrea, dahil feeling bored siya kanyang life nu’ng araw na yun ay in-edit niya ang quote para mas maging aesthetic o maganda ang dating nito sa kanya at sa mga makakabasa nito.
Sa gitna ng image na ipinost niya ay may nakalagay na “karma” with matching background pa ng hit song ni Taylor na ganoon din ang title.
Walang binanggit si Andrea kung para kanino o para saan ang tinutukoy niyang karma pero marami ang nagpapalagay na tila para ito sa celebrity couple na sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista.
Kung matatandaan, naging usap-usapan ang dalaga nang ilahad ni Ricci na sila na ni Leren at all-out ang support ng mga magulang ni Ricci sa relasyon ng kanilang anak sa dating beauty queen na may mga patutsada pa nga laban kay Andrea sa kani-kanilang social media post.
Nadamay pa nga ang bestfriend ni Andrea na si Bea Borres matapos itong mag-post ng cryptic post sa X (dating Twitter) na feeling ni Ricci ay para sa kanya.
Kasunod nito, kumunsulta na raw si Bea sa isang abogado para humingi ng advice kung ano ang pwede niyang gawin sa malisyosong post ni Ricci lalo na ang sinabi nito tungkol sa “kabit.”