Sobrang napasaya ni Ivana Alawi ang isang guy na fan dahil sa kanyang generosity.
Pinuntahan ni Ivana ang guy na nag-post sa Facebook ng isang message para kay Ivana kung saan nakasulat sa pader na “Bawal umihi dito pero si Ivana puwede.”
Talagang dumayo pa sa Pandi, Bulacan si Ivana para lang ma-meet ang guy fan niya. Hinanap pa talaga niya ang lalaki dahil tuwang-tuwa siya sa post nito.
“Ang layo ng biyahe naming pero happy ako na na-meet kita,” say ni Ivana kay Armando.
“Mas happy kami,” sagot naman nito sa bida sa Batang Quiapo.
“Totoo ba ito? Parang hindi ako makapaniwala na si Ivana Alawi. Kurutin n’yo nga ako,” say pa ng guy na hindi makapaniwala na nasa harap niya ang sexy actress.
Sabi ng guy, almost two years na ang post niyang iyon sa pader. Obviously ay nagpapansin siya at napansin naman siya.
“Papansin talaga siya. Pero at least, two years ago tapos nandito siya (Ivana),” say ng guy.
“Wala pang umihi diyan?” tanong ni Ivana kay Armando.
“Kahit asawa ko ay pinipigilan ko, eh,” say ni Armando.
Sa huli ay binigyan ni Ivana ng P50,000 si Armando bilang appreciation sa ginawa nito. Hindi makapaniwala ang guy sa sobrang kabaitan na ipinakita ng sexy actress.
Bukod dito, nagpagawa pa ng comfort room si Ivana na malapit sa pader kung saan may mensahe para sa kanya. Nag-try pa nga siyang umihi ito.