Inihayag ng Philippine Statistics Authority na pumalo umano sa 3 percent ang inflation rate o bilis nang paggalawa sa presyo ng mga produkto at serbisyo noong Pebrero at ayon sa PSA, nangungunang dahilan dito ay ang pagtaas ng energy at transport costs sa nakalipas na buwan.
Ang latest data na ito ay pasok pa rin naman sa 2.8 hanggang 3.6 percent ranged na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa naturang buwan.
Base sa datos ng PSA, nakapagtala ng -1.6 percent na inflation rate ang food at non-alcoholic beverages sa National Capital Region noong Pebrero, mas mabilis kaysa -3 percent noong Enero.
Samantala, sa transport, ang inflation rate ay 7.9 percent sa NCR, mas mabilis kumpara 6.5 percent pace sa nakalipas na buwan, dahil sa galaw ng presyuhan sa diesel at gasolina.
Samantala, ang mga lugar sa labas ng NCR ay bumagal naman ang inflation sa 3.4 percent noong Pebrero mula sa 3.5 percent noong Enero.
Sinabi ng PSA na ang mabagal mabagal na inflation rate sa mga lugar sa labas ng NCR ay resulta ng milder increase sa food at non-alcoholic beverages.