Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority na i-deploy ang nasa 1,500 na mga traffic enforcers bilang paghahanda sa Barangay and Sanguniang Kabataan Election at paggunita ng sambayanang Pilipino sa Undas 2023.
Iniulat ng MMDA na simula noong Biyernes ay nakaranas na ng pagbigat ng trapiko sa South Luzon Expressway, North Luzon Expressway at Skyway dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga provincial terminals na pauwi ng probinsya.
Ayon sa ahensya, naobserbahan din ang pagbigat ng trapiko malapit sa mga paliparan, pantalan kaya inabisuhan na rin nila ang mga bibiyahe na magbaon ng pasensya, maging matiyaga, magplano at pumunta sa mga palisidad ng maaga.
Samantala, nagpadala na ang Bureau of Fire Protection ng 1,000 mga tauhan nito sa 66 sementeryo sa Metro Manila para masiguro ang kaligtasan ng publiko na dadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay.
Ayon kay BFP-NCR asssitant regional director Senior Supt. Rodrigo Reyes na magde-deploy sila ng medical team na mga mahuhusay, well-trained at fully equipped na magaantabay sa bawat sementeryo.
Dagdag pa ng opisyal, ang kanilang tauhan ipinakalat ay mga registered nurse na highly-trained.
Mayroon din silang “Oplan Ligtas na Pamayanan” na mga firetruck na iikot sa mga matataong lugar.
Nagpaalala din si Reyes sa publiko na itirik ang mga kandila sa mga ligtas na area o mas mainam aniya ay sa labas nalang ng bahay upang matiyak na ang kaligtasan.