Pinaputukan ng mga pulis ng tear gas ang mga welgistang nanunog ng bus sa Gazipur, Bangladesh kahapon dahil sa galit sa mababang taas-sahod na ibibigay ng gobyerno.
Sinabi ng hepe ng pulis sa Gazipur, Sarwar Alam, na tinira nila ng tear gas ang mga welgista upang buwagin ang kanila demonstrasyon.
Ayon sa isang pulis na nakapanayam ng Agence France-Presse, pekeng balita na lumabas sa social media ang nakita ng mga nagwewelgang manggagawa ng mga pagawaan ng damit sa nasabing siyudad na kanilang ikinagalit.
Sa nasabing pekeng balita, inaresto ang mga lider ng unyon at itataas ang minimum wage sa 12,000 taka imbes na 23,000 na nais ng mga manggagawa.
Ang mga may-ari ng pagawaan ng damit ay dapat mag-alok ng mahigit 15,000 taka, sabi ni Kalpona Akter, pinuno ng Bangladesh Garment and Industrial Workers Federation, sa AFP.
Nagsimulang magwelga ang mga manggagawa sa may 600 pabrika ng damit sa mga industrial areas at labas ng Dhaka nitong nakaraang linggo.
Sinira ng mga welgista ang mga pabrika at sinunog ang apat na planta na ikinamatay ng dalawang tao.
Hinarangan din ng mga nagwewelga ang mga highway at inatake ang ibang pabrika.