Naglabas ng paalala ang Quezon City Police District sa publiko kaugnay sa mga umano’y naglilipanang masasamang loob at mga sindikato gaya ng Salisi Gang lalo na at talamak ngayon ang nakawan ng mga sasakyan.
Ayon sa QCPD, nagkalat umano ang mga salisi modus ngayon panahon na tumatarget sa mga nakaparadang sasakyan at motorsiklo.
Sinabi ni QCPD OIC Police Colonel Melecio Buslig Jr, simula noong buwan ng Setyembre , marami ang mga naging biktima ng Salisi modus matapos na maiwan ang kanilang mga sasakyan ng hindi naka lock.
Kabilang na rito ang isang insedente na naitala noong September 14 sa Brgy. Masagana na kung saan natangay ang motorsiklo ng biktima.
Sa kuha ng CCTV footage sa lugar, makikita rito ang ginagawang pagsipat ng suspeck sa mga naka park na sasakyan at motorsiklo at tinarget ang hindi nakalock na motorsiklo.
Kalaunan ay narecover din ang motor matapos na respondehan ng pulisya ang insidente.
Kaagad namang pina-igting ng QCPD ang kanilang kampanya kontra salisi modus upang kaagad na maaresto ang mga sangkot sa ganitong ilegal na aktibidad.