Nilusob ng mga pulis ngayong linggo ang mga pinaghihinalaang opisinang ginagamit sa sa online scam sa Yangon at inaresto ang 95 taong pinaghihinalaang sangkot dito.
Halong Burmese at mga banyaga ang 95 taong naaresto sa tatlong lugar sa siyudad.
Kinumpiska rin ng pulis ang isang kotseng BMW, mga laptop, mga telepono, desktop computer at iba pang kagamita sa mga nasabing opisina, ayon sa pahayag ng junta ng bansa nitong Biyernes.
Nakita sa mga computer ang mga datos ng mga biktima ng online scam.
Isang bahay na pinaghihinalaang tirahan ng pinuno ng sindikato ang nilusob rin ngunit wala roon ang suspect.
Ang mga raid sa Yangon ay unang pagkakataon na crackdown ng junta laban sa online scammers.
Nagsagawa na ng mga paglusob dati sa hilagang Myanmar malapit sa border ng China.
Ang mga raid ay may basbas ng Tsina dahil mga Intsik ang karaniwang biktima ng mga online scammer na nakabase sa Myanmar.
Una nang naiulat na inakit o dinukot ng mga sindikato ang mga Intsik at iba pang banyaga mula sa Timog-silangang Asya upang magsagawa ng mga online scam o panloloko upang mahuthutan ng pera ang mga biktima.