Pumirma na si Richard Gutierrez ng contract extension sa Kapamilya network, ABS-CBN.
Pinirmahan ng aktor ang kontrata nitong Huwebes at ibinahagi niya sa mga showbiz reporter na sumaksi ng pirmahan ang dahilan ng pananatili niya sa kumpanya.
Sinabi ni Gutierrez na ang ABS-CBN ang nangunguna sa larangan ng de-kalidad at world-class na digital content at collaboration.
Sinabi rin niya na humanga siya sa matagumpay na pag-pivot ng ABS-CBN sa kabila ng hirap at pagsubok.
“You know hindi madali ‘yon para sa isang kumpanya tulad ng ABS-CBN pero I like how resilient they are and they were able to pivot and start a new journey and new trend in our industry and I like being part of that. There’s a silver lining in all of these and that’s ABS-CBN is now the forefront of digital content in the country,” pahayag ni Gutierrez, ayon sa ABS-CBN News.
Katatapos lamang gawin ni Gutierrez ang hit action series na “The Iron Heart” at ibinalita niya na isa na namang action series ang gagawin niya sa susunod na taon.
“I really enjoy doing action. I really enjoy telling action-packed stories. I think para rin siya sa buong pamilya. Kapag gumawa ka ng action kuha mo ang male audience, kuha mo ang mga bata. And you can tell so many different stories with an action series,” aniya.
Samantala, sinabi ng aktor na kung may pagkakataon ay nais niyang makatrabaho
sina Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Donny Pangilinan at Belle Mariano.