Wala munang inuman sa tanyag na tourist hotspot ng Japan, ang Shibuya district sa Tokyo, sa araw ng Halloween.
Ipinagbawal ni Mayor Ken Hasebe ang maingay at maragalgal na selebrasyon simula Biyernes upang maiwasan ang sakuna at trahedya na tulad ng nangyari sa Seoul, South Korea.
Tinutukoy ni Hasebe ang pagkamatay ng may 160 Koreano nang sila’y maipit at madaganan sa iskinita ng Itaewon nang dumagsa ang maraming tao na makikisaya sa Halloween party doon noong Oktubre 29, 2022.
Maninipis din ang mga kalye sa Shibuya at libu-libong Hapon na naka-costume ang nagtitipon dito upang magsaya tuwing Halloween.
“Labis kaming nag-aalala sa mga aksidente tulad ng nangyari sa Itaewon sa Seoul at maaaring mangyari ito anumang oras,” sabi ng alkalde, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.