Ang probinsya ng Cebu ang unang tutupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba ang presyo ng bigas sa bente pesos kada kilo.
Ipinahayag ni Gobernador Gwen Garcia nitong Miyerkules na ang ipagbibiling murang bigas mula sa National Food Authority sa probinsya ay unang ipabibili sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon kay Garcia, binili ng kanilang pamahalaan ang palay sa mga lokal na magsasaka sa mas mataas na presyo alinsunod sa programa ni Pangulong Marcos.
May P100 milyon ang halaga ng palay na binili at ipabibili ng Cebu sa halagang P20 kada kilo, pahayag ni Garcia sa pagpupulong niya sa mga alkalde sa Capitol Building noong Oktubre 25.
Sa ilalim ng programang agricultural ni Marcos, na siya ring kalihim ng Department of Agriculture, ang ahensya ay magbibigay sa mga magsasaka ng libreng punla, pataba at teknikal na tulong.