Aminado ang aktres na si Loisa Andalio na gusto niyang mapasama sa isang fantasy series at ayon sa kanya ay dream project niya ito.
“Ang dami kong dream role. Mas gusto ko ‘yung fantaserye talaga. Nae-enjoy ko ang mga ganu’n. Actually favorite ko yung ‘Lobo’ ni Angel (Locsin) dati. Kasi ‘yung tao biglang ‘yung magiging transition niya (lobo),” sabi ng dalaga sa isang panayam.
Sa tanong kung kung sinu-sino naman ang gusto niyang makasama sa mga susunod na proyekto niya sa Kapamilya Network, wala siyang binanggit na mga pangalan.
“Anyone, kahit sino. Actually wala akong pinipili na makatrabaho. Kahit sino kasi matututo ka naman. Kasi hindi ba lahat ng mga tao ay iba’t iba ang personality. So, wala akong pinipili kahit sino, okay naman ako makatrabaho. Gusto ko ‘yung nasu-surprise ako, paano niya kaya ito iaatake yung eksenang ito yung mga ganyan,” sabi ni Loisa.
Bata pa lang daw ay talagang pangarap na niya ang mag-artista.
“As in kapag tinatanong ako ‘ano ang pangarap mo, ano ang course mo?’ ‘May course ba ang artista?’ ‘Yung mga ganyan. Kasi growing up fan ako ng TV, ng ABS-CBN. Talagang fan ako ng mga Star Magic artists. ‘Yun talaga ang goal ko. Mahilig akong kumanta at sumayaw,” sabi ni Loisa.