Tinanggal na sa puwesto ng Chinese government ang kanilang Defense Minister na si Li Shangfu matapos ang dalawang buwan na hindi nagpapakita sa publiko at siya na ang ikalawang mataas na opisyal ng China na tinanggal ng gobyerno ng walang kalinawan.
Kasabay din nito ay tinanggal rin siya sa kaniyang puwesto bilang miyembro ng Central Military Commission isang pinakamalakas na puwersa na pinamumunuan ni Chinese President Xi Jinping.
Ang nasabing desisyon na pagtanggal sa kaniya ay aprubado ng mayorya ng National People’s Congress.
Noong Marso ng italaga si Li sa posisyon at mula noong Agosto ay hindi na ito nagpapakita sa publiko.
Magugunitang noong Hulyo rin ay pinatalsik ng China si dating Foreign Minister Qin Gang.
Sa ibang balita, patay naman ang 17 katao matapos ang banggaan ng dalawang tren sa eastern Bangladesh.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na bigla na lamang binangga ng freight train ang likurang bahagi ng pampasaherong train.
Naganap ang insidente sa Bhairab sa north-east ng Dhaka region at itinuturong sanhi ng aksidente ay ang pagkakaroon ng problema ng kanilang signal light.