Ipinasara ng mga health department ng Cebu City ang isang buwaran na may tambakan ng basura sa Sitio Bohol sa pagitan ng Barangays Duljo-Fatima at Mambaling.
Nakita ang maruming buwaran nang magsagawa ng paglilinis ang lokal na pamahalaan, ayon kay Coastal Management Board Executive Director Lemuel Felisario.
“May mga basura sa lugar na pinagtutuyuan ng isda. Kasing kulay rin ng kanal ang lugar ng produksyon ng tuyong isda,” dagdag ni Felisario.
Inilarawan naman ni Cebu City Environment and Natural Resources Office officer-in-charge Reymar Hijar na nagmistulang dumpsite ng Inayawan ang buwaran sa bunganga ng Ilog Kinalumsan kaya napilitan ang mga inspektor ng city health department na ipaigil ang operasyon ng patuyuan ng isda.
“Hindi naming maaaring payagan silang magpatuloy ng kanilang maruming produksyon,” aniya.
Kailangan nilang linisin ang kanilang buwaran kung nais nilang magpatuloy ang kanilang hanapbuhay, dagdag ni Felisario.