Tapos na may tandang pandamdam ang Sparkle Spell Event na ginanap sa isang shalahang lugar pero ang panlilibak kina David Licauco at Jak Roberto, dalawa sa mga Kapuso hunk, ayaw tumigil at paawat.
Ang tnaguriang pambansang ginoo, si Licauco at ang lalaking hindi sinasadyang magtayo ng paaralan para hind imaging seloso, si Roberto ay kapwa dumating sa event na ang kasuotan ay katulad ng sa katauhan ni Mackenyu Arata sa “One Piece” live action adaptation, na ang ngalan ay si Roronoa Zoro.
May apat pang Sparkle artists na dumating sa nasabing payanig ang naka-Zoro kasuotan pero hindi sila masyadong inintindi at walang alingasngas sa kanilang paggaya kasi nga hindi pa sila kakilala at pasok sila sa kategoryang hindi pa nga sila sumisikat laos na agad na kategorya.
Kaya ang mga mata at panlilibak ay nasa dalawang binata dahil meron silang iisang babaing tinatangi, ang Kapuso princess Barbie Forteza.
Si Forteza ang kasalukuyang ka-love team ni Licauco at may pag-amin pa nga ito na matindi ang kanyang pag-hanga sa mahusay na aktres. At sa totoong buhay, si Roberto ang ka-romansa at kapusong totoo ng magandang binibini.
Ilang halimbawa sa panlilibak sa dalawang binatang makisig na gaya-gaya kay Zoro, tili mula sa maricong makapal ang labi: “Ano ba yan, si Jak mukhang puyat! Si David mukhang na-dengue! Wag naman babuyin si Zoro! Hahahaha!”
“Hay naku! Ka-cheapan of the lowest order talaga ang mga taga-Kamuning! Scripted iyan, para pag-usapan ang dalawang lalaki at iyang paandar nilang sila-sila lang na naman ang may alam,” talak ng bekibel na ginuhit lamang ang mga kilay.
Pahayag ng pamhintang totoo, “Sigurado ako, sinabihan ni Barbie ang dalawang hombre separately, with matching paglalambing na mag-Zoro sila. Bet yata ni Barbie na mag-espadahan ang dalawang lalaki niya noh! Matira ang matibay! Mabuhay ang tunay na matigas! Hahahaha!”
Ang isa sa pinakamalupit na talak, mula ka-chakang totoo: “Ay, anong nangyari kay Jak? Parang lumapad at kamukha na ni John Lapus. Ito namang si Davod, ang lambot-lambot na Zoro. Ng payat! Level na level kay Bb Gandanghari. Hahahaha!”
Iba rin ang mga panlilibak ng mga netizen. Kaloka kayong lahat sa inyong mga pakiwari at obserbasyong mabalasik.
Ngayon, dahil sa inyong maanghang na panlilibak, siyento porsiyento niyong sinasabi na may saysay at silbi ang mga ginoong Licauco at Roberto sa mundo ng showbiz. Kasi kung wala silang kinang at luningning, hindi niyo sila lilibakin at papansinin. Dapat ang pag-uugali niyo sa mga binata, ay tulad sa iba pang Zoro na hindi niyo inintindi, naramdaman at parang mga anino lamang.
Sa nasabing Sparkle, ang best in costume at grand entrance, si Derick Monasterio na nakasakay sa kabayo at ang kasuotan ay tulad sa isang mandirigmang Spartan.
Ang worst dressed, ang Asia’s multi media star Alden Richards, na dumating bilang si Lance, ang kanyang katauhan sa “Five Break Ups and a Romance” na ayon sa isang mapapagkatiwalaang source, eh nakaka-P20M na ang kinita sa takilya. Ang bongga! Second big Filipino movie hit sila, sa totoo lang,
Buti na nga lang at hindi pikon sina David Licauco at Jak Roberto. Wala silang panahon at hindi pumapatol sa mga panlilibak. Iyan ang mga maginoong totoo. The best!