Inanunsyo ng Malakanyang nitong Martes na wala itong planong ideklarang non-working holiday ang October 31 sa susunod na lingo kahit ipit pa ito sa dalawang holiday.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Atty. Cheloy Garafil, ang impormasyon ay batay na rin mula sa Office of the Executive Secretary.
Una rito, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na special non-working day ang October 30, 2023, Lunes, dahil sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Samantala, special non-working days naman ang November 1, na Undas, pati na ang November 2.