Iniulat ng mga otoridad na isang walong taong gulang na batang babae ang binawian ng buhay matapos umano itong masagasaan ng isang rumaragasang SUV sa Dasmariñas City sa Cavite.
Base sa mga kuha ng CCTV, nakita ang ang bata na tumawid ng Aguinaldo Highway at tumigil sa island o sa gitna na kalsada at makalipas ang ilang segundo ay tumakbo ang bata para muling tumawid sa kabilang bahagi ng highway.
Sakto namang paparating ang isang SUV at nasagasaan ang bata.
Tinamaan din ang motorsiklong nasa kanan ng SUV at tumama pa ang motor sa bata.
Ngunit kahit malakas ang pagkakabangga ay nakatayo pa ang bata matapos tulungan ng isa pang babaeng tumatawid.
Dinala sa ospital ang bata at ang rider ng motor.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.