Iniutos ng junta ng Myanmar ang pambobomba ng mga rebeldeng Kachin matapos nilang makuha ang mga puwesto ng mga sundalo malapit sa border ng China matapos ang matinding bakbakan.
Inatake ng mga rebelde ng Kachin Independence Army ang mga posisyon ng militar sa paligid ng Muse sa estado ng Shan nitong Huwebes at malapit sa liblib na bayan ng Laiza sa Kachin state nitong Biyernes.
Napilitang umatras ang pwersa ng junta at binomba ang mga rebelde mula sa eruplano at kanyon bago mag-hatinggabi ng Biyernes.
Ayon kay Colonel Naw Bu ng KIA, marami silang napatay na sundalo at maraming baril at iba pang armas ang nakuha nila sa militar.
Kontrolado ng KIA ang malaking bahagi ng Kachin kung saan marami ang Kristiyano.
Mula nang magkudeta ang junta at patalsikin si Aung San Suu Kyi bilang lider ng bansa noong 2021, tumindi ang labanan ng mga sundalo at rebelde.
Ayon sa KIA, inatake ng mga sundalo ang sibilyan upang magapi ang mga tutol sa kudeta.
Ayon naman sa junta, sinasanay ng mga rebelde ang mga sibilyan na lumaban sa mga sundalo.