Muli, napatunayan na “Time is the ultimate truth teller” dahil nga ang dati rating itinatanggi, ngayong walang halong pag-iimbot at buong katapatang pinangangalandakan! Inamin ni basketball cager na starlet at fashion model ang kanyang relasyon kay Leren Bautista.
Sa IG post ni Rivero ginawa ang pagpapakatotoo: “To the girl that I see as a real QUEEN. With all the wrongs hounding me, I am blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.”
Sabi pa ni Ricci sa pahayag: “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang-agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masta tayong magkahawak kamay.”
Patuloy ni Rivero: “I love seeing how genuinely you continue to help and care for people every day despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people be better. Thank you for always being so selfless and simple.”
Pagtatapos nito: “I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy. This is our story, hindi dapat iba ang magkwento ng istorya nating dalawa.”
Ang pagiging tapat ng basketball cager ang naging reaksyon ay sangrewakang panlilibak. Mula sa pangkat katkatera: “May pa-opisyal statement pa dati itong si Leren na walang namamagitan sa inyong dalawa tapos ngayon, kayo pala talaga. Naku, naku, naku, it’s a sin to tell a lie.”
Pagtataray ng batalyong daldakina: “Grabehan ang pagpaparinig na dapat eh sweet-sweetan post lang. Ang daming gustong patunayan. Sige, lokohin mo ang sarili mo at ang babaing mukhang tiyahin. Hindi lang pala mabantot dahil hindi naglalaba, pati rin ugali.”
Ang patola squad, ang reaksyon: “The post should be about her or them. Shading other people is so unnecessary, and honestly very petty and immature. When you are genuinely happy, wala kang paki sa iba. Gosh, he is still so affected.”
At ang pagdadabog mula sa mga beking kudaera: “Lalaki ito?!! Bakit ganiyan ang asal mo sa ex mo? Hoy Ricci mahiya ka sa mga nagpalaki sa iyo. Show some respect.”
Ngayong bukas na aklat na ang romansahan nina Rivero at Bautista, naway tunay ngang walang kapantay ang kanilang pagmamahalan.
Ang inaabangan ngayon, reresbak kaya si Andrea Brillantes na alam naman nating siya ang pinarurinngitan ni Rivero sa kanyang relasyon reveal post?
Naway silence is her best defense na ang gawin ni Blythe lalo na nga’t nasa panalong estado ang kanyang karera. Bida sa “Senior High”. May hosting gig pa sa “It’s A Lucky Day” at nakapalibot sa kanya ang mga taong tunay na nagmamaghal sa kanya.
Andiyan sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla, mga kasabayan niyang child actors na young adults in their early 20s na talagang kapatid ang turing sa kanya. Siempre pa, si Kyle Echarri na best friend sa totoong buhay at ka-love team niya sa ngayon na talangang busilak ang pagtingin at trato sa kanya at siguradong ilalaban at ipagtatanggol siya.
Living well and being devastatingly beautiful at that ang best revenge mo, dearest Andrea.
Kay Ricci Rivero at Leren Bautista, ano pa ba ang dapat sabihin kundi mabuhay! Saka na ang humayo kayo at magpakarami, huh!