Dumating kahapon galing sa Saudi Arabia ang 87 mga migrante at tatlong bata na nagpatulong sa gobyerno na sila ay maiuwi.
HInatid ng Philippine Airlines ang mga migrante sa Flight PR655 at lumapag sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ng 12:30 ng hapon.
Nagbigay ang Department of Migrant Workers ng $200 sa bawat repatriate para pamasahe nila pabalik sa Maynila, ayon sa tagapagsalita ng DMW na si Toby Nebrida.
Bibigyan rin ang mga umuwi ng tulong pinansyal at pangkalusugan, pati na psychosocial evaluation at assessment, dagdag ni Nebrida.
Ang Overseas Workers Welfare Administration naman ang magbibigay ng hotel accommodation sa mga may connecting flight at mag-aayos sa biyahe ng iba papuntang probinsya.
Marami pang overseas Filipino workers ang hindi nakasama sa pag-uwi ng 90 OFW dahil hindi pa naaayos ang kanilang mga papeles sa Saudi Arabia, ayon kay Nebrida.
Sila ay susunod na makakauwi kapag na-proseso na ang kanilang mga papeles, aniya.