Naglabas ng “worldwide caution security alert” ang United States State Department para sa kanilang mamamayan na dahil sa malaking posibilidad ng pag-atake at pinag-iingat nito ang mga American citizens dahil sa tumaas na tensiyon sa buong mundo dahil sa kaguluhan sa Israel at Hamas.
Nakasaad pa sa nasabing advisory na dapat ay maging laging alerto sa pagtungo sa mga tourist spots at pinayuhan rin ang mga American citizens na makipag-ugnayan sa mga embahada na mga bansang kanilang pinupuntahan.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng talumpati sa White House si US President Joe Biden.
Dito ay ibabahagi niya ang naging tagumpay ng pagbiyahe niya sa Israel at ang tulong ng US para mapalaya ang lahat ng bihag ng Hamas Militants.
Inaasahan rin na iaapela niya sa US Congress ang pag-aprubra ng military funding sa Israel ganun din sa Ukraine.
Inaasahan na sa kabuuang $100 bilyon na military funding ay kasama rin dito ang military aide din sa Taiwan at ang pagsasaayos ng pagdami ng mga migrants sa border nila ng Mexico.
Tiniyak pa rin ni Biden na hindi nagbabago ang suporta nila sa Ukraine.
Ito ay kahit na hindi naisama ang military funding sa last-minute congressional budget deal.
Ang nasabing hakbang ng kongreso ay para maiwasan ang pinangangambahang government shutdown.
Dito ay tinanggal nila ang $6bilyon na tulong militar ng US sa Ukraine na siyang prioridad ng White House.
Sinabi pa ni Biden na hindi niya papayagan na maantala ang tulong na ibinibigay ng US sa Ukraine.
Mula kasi ng lusubin ng Russia ang Ukraine ay umabot na sa mahigit $46 bilyon ang naibigay ng US sa Ukraine bilang tulong militar.
Noong nakaraang mga buwan ay nagpadala na ang US ng mga state of the art na kagamitan sa Kyiv kabilang ang long-range missiles at mga Abrams tanks.
Ang nasabing kasunduan na temporary budget agreement ay magpopondo sa US Federal government sa loob ng 45 na araw.