Nitong nakaraan ay nakipagpulong si Department of Finance Secretary Benjamin Diokno sa mga kinatawan ng mga bangko sa Japan upang himukin ang mga ito na tumulong sa pagpopondo sa mga infrastracture projects ng bansa.
Binanggit ni Diokno sa mga bank representatives ang tungkol sa mga pagkakataon sa pamumuhunan sa Public Private Partnerships sa mga proyektong pang-imprastraktura ng bansa.
Kabilang sa mga bangkong nakilala ng DOF ay ang Japan Bank for International Cooperation Mizuho Securities, at Nomura Holdings.
Ang Pilipinas ay naghahanap ng iba pang mga financier para sa ilan sa mga pangunahing proyekto ng imprastraktura nito matapos ang pakikipag-usap sa mga bangko ng China ay natigil.
MAtatandaan na natigil ang Metro Manila hanggang Bicol Express railway project dahil hindi tiyak ang pagpopondo ng Chin.
Bukod sa Bicol Express, popondohan din sana ng China ang Subic-Clark Railway at Mindanao Railway. Sa ngayon ay pinopondohan na ng Japan ang Metro Manila Subway, at ang North-South Commuter Railway, na itinuturing na pinakamalaking transport project sa bansa.