Aminado ang aktres na si Maui Taylor nan aka-ilang beses na niyang naipasa ang titulong “Pantasya ng Bayan” pero for some reason ay bumabalik daw iyon sa kanya.
“Actually, ’yong title na Pantasya ng Bayan matagal ko nang pinasa ’yon [sa iba]. Hahaha! Parang bumalik lang ulit,” sabi ni Maui sa isang mediacon. “Yes, from the previous artists that I supported when it comes to their launching films, naipasa ko na. It’s just that parang, it finds its way back to me. Hahaha!”
Kaya naman muli raw niya itong ipinasa, this time, sa showbiz newbie at co-star niyang si Aiko Garcia. Ito kasi ang gaganap na anak niya sa pelikula na, incidentally, ay launching movie nito.
“But being in this film, supporting a newbie, another upcoming actress, ito na nga siya, si Aiko, I feel like this project, parang feeling ko ito na talaga ang pagpasa ng korona,” sabi ni Maui.
Masaya naman daw siya na kay Aiko niya ibinigay ang titulo dahil mahusay umano itong aktres kahit na baguhan pa lang.
“I’m very happy na si Aiko ’yong pagpapasahan ko nito because she did very well in this movie. Magaling, e. Magaling,” sabi pa ni Maui.
Noon pa man daw ay nakitaan na niya ng potensyal si Aiko nang sumabak at manalo ito sa erotic reality show na Pantaxa: Laiya.
“Actually, when we were doing Pantaxa isa siya sa nakita namin na meron talagang edge. So, congrats, our baby girl,” saad ni Maui.
Nagpasalamat naman si Aiko sa magagandang sinabi ng seasoned actress sa kanya.
“Thank you so much. S’yempre, napaka-honored ako na maka-work si Ms. Maui. Mentor namin siya,” saad ng baguhang aktres. “Mahiyain ako, e. During Pantaxa parang iwas na iwas nga ako sa kanila.”
Mapapanood ang movie nina Maui at Aiko, kasama sina Matthew Francisco at Aerol Carmelo, na Haliparot simula October 20 sa Vivamax.