Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development na sa Disyembre na ngayong taon sisimulan ng ahensya ang ganap na implementasyon ng Food stamp program.
Sinabi ni DSWD USec. for Innovations Eduardo Punay ang anunsiyo sa ika-3 Nutrition Education Session at 4th Redemption Day ng pilot beneficiaries in Tondo, Manila.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang pilot implementation kung saan target ang 3,000 pamilya sa 5 pilot sites at saka susundan na ng full implementation sa darating na Disyembre.
Sinabi din ni Punay na sa pamamagitan ng issuance ng Executive Order 44, na nagdedeklara sa food stamp program bilang isang flagship program ng Marcos administratin, matitiyak din aniya ang pondo para sa mga mahihirap na pamilya.
Sa ilalim ng naturang programa, mabibigyan ang mga benepisyaryo ng buwanang food credits na nagkakahalaag ng P3,000 sa loob ng anim na buwan.
Magagamit ang food credits para bumili ng masusustansiyang pagkain mula sa accredited partner retailers ng DSWD.
Kung matatandaan, Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development na magkaiba ang bagong programa na WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Paliwanag ni Punay, ang food stamp program ay binuo upang matugunan ang kagutuman, lalo na sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Ipinapatupad ito sa pamamagitan ng iba’t ibang intervention, katulad ng pagbibigay ng food stamp, at tulong pinansyal habang ang 4Ps ay binuo ng pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya na mapag-aral ang kanilang mga anak, at mawakasan ang intergenerational poverty.