Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes na pumalo na sa kabuuang 27,799 mula sa 42,000 mga barangay sa buong bansa ang idineklarang drug cleared simula nang mamuno ang Marcos administration.
Ang datos mula sa PDEA ay naitala mula Hulyo 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2023.
Nasa 7,738 barangay naman ang patuloy pang nililinis ng mga awtoridad mula sa presensiya o kalakalan ng iligal na droga.
Samantala, nakakumpiska din ang PDEA ng kabuuang P28.01 billion halaga ng iligal na droga sa buong bansa sa parehong period.
Sa mga ikinasang operasyon, nasa 64,862 drug sus[ect ang naaresto habang na-dismantle naman ang 726 drug dens at shabu laboratory.
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan ay nasa 161 na barangay ang idineklarang drug-free ng PDEA.
Sa isang pahayag, sinabi ni PDEA Public Information Officer Glenn Guillermo , na ang naging deklarasyon ay resulta na rin ng masusing validasyon at sertipikasyon ng regional oversight committee .
Masasabing drug free na ang isang barangay kung lalabas sa pagsusuri na wala ng user at field pusher ng naturang mga ipinagbabawal na droga.
Bago maglabas ang PDEA ng deklarasyon ay tintiyak muna nito na dumaan ang isang partikular na barangay sa masusing proseso
Kabilang sa mga pinakamarami na idineklarang drug free na barangay ay mula sa Pampanga na mayroong 46 na barangay, 40 sa Nueva Ecija, 29 na barangay sa Tarlac, 14 sa Zambales, 14 sa Aurora, 9 sa Bataan at pitong barangay sa Bulacan.