Pinalagan ng pole vaulter na si EJ Obiena ang mga akusasyon laban sa kanya na gumagamit umano siya ng ipinagbabawal ng substance at desidido siyang sampahan ng kaukulang reklamo ang mga nag-aakusa sa kaniya.
Ayon kay Obiena, pinag-aaralan na ng kaniyang kampo ang kaparaanan sa pag-akusa mula sa social media comment na ito umano ay gumagamit ng iligal na substance.
Nag-ugat ang isyu nang maglabas ng pahayag si Pinoy pole vaulter na kaya niyang mahigitan si world record holder Mondo Duplantis ng Sweden kapag magkaharap sila sa Paris Olympics sa susunod na taon.
Magugunitang nasa ikalawang puweso sa world ranking si Obiena habang nangunguna ang Swedish na si Duplantis.
Pagtitiyak naman ng personal advisor ni Obiena na si Jim Lafferty na 100 percent malinis na manlalaro si Obiena at makailang ulit na itong sumailalim sa drug test ay laging negatibo ang resulta.
Samantala, pa rin si Obiena na may malaki siyang tyansa na magka-podium finish sa nalalapit na Paris Olympics kumpara sa nakalipas na Olympics na ginanap sa Tokyo.
Bagaman mas malaki ang tiyansa, naniniwala ang pinakamagaling na pole vaulter sa buong Asya na mahaba-habang preparasyon pa ang kanyang pagdadaanan.
Marami pa aniya ang maraming posibleng mangyari, ngunit mahaba-haba pa ang paghahanda na maaari niyang gawin pa sa pinakamalaking sporting event sa buong mundo.
Mula noong Tokyo Olympics, marami nang record ang nagawang makuha at mabasag ng pinoy vaulter.
Noong 2021, bago ang pagsisimula ng Olympics, una siyang nasa ika-anim na pwesto, ngunit umangat siya sa ikalawang pwesto ngayong 2023.