Aliw na aliw ang mga netizens sa naging palitan ng sagot ng “Linlang” leads na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa social media na may kaugnayan sa pagbabalik ng Korean superstar na si Park Seo Joon sa Pilipinas.
Sa kanilang series, talaga naming umani ng papuri ang dalawa dahil sa husay ng kanilang akting sa serye.
Sa X account (dating Twitter) ni Kim, nag-post ang dalaga ng kanyang reaksyon tungkol sa muling pagbisita ni Park Seo Joon sa Pilipinas para sa kanyang fan meet.
“Waaaahhhhhhhhh!!!!!!!” ang caption ni Kim sa ni-repost niyang photo ni Park Seo Joon na kumakaway sa camera.
Obviously, fan na fan ang TV host-actress ng Korean superstar na bumida sa mga K-drama na “Itaewon Class”, “What’s Wrong with Secretary Kim”, “Kill Me, Heal Me” at marami pang iba.
Comment ni Paulo sa ipinost ni Kim, “Bakit po nung umuwi si Victor sa Pilipinas di ka ganyan ka excited?”
Ang tinutukoy ni Pau na Victor Lualhati ay ang karakter niya sa seryeng “Linlang” kung saan gumaganap nga siyang asawa ni Kim bilang si Juliana.
Sagot naman ni Kim sa tweet ni Paulo, “Ha?!!! Talaga??? Ako? di excited sa pagdating mo Victor?!!! talaga?!!!
“Bumili nga ako ng bagong B** at P***Y para sayo diba? ang bilis mo naman makalimot,” ang nakakaloka pang pahayag ni Kim.