Super happy ngayon sa kanyang lovelife ang aktres na si Julia Barretto sa kabila nang mga negative na naglalabasan kaugnay sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.
Noong nagsisimula pa lamang kasi ang relasyon ng dalawa ay marami nang naysayers ang nagsabi na hindi magtatagal ang kanilang pagsasama.
Pero sa kabila ng patuloy na pangnenega ng mga bashers at haters sa relasyon nina Gerald at Julia ay nananatili pa ring solid ang kanilang pagsasama.
Mahigit dalawang taon na ring magdyowa ang dalawa at going strong pa rin sila, kaya naman marami ang nagsasabi na tila mababasag ang trip ng mga netizens na nagsasabing maghihiwalay din sila.
Sa isang panayam, sinagot ng magkarelasyon ang tanong kung anu-ano ang mga gusto nilang ipagpasalamat sa isa’t isa, lalo pa’t magtatatlong taon na rin ang kanilang relationship.
“Support. Pagmamahal, siyempre. Just being there always for each other siguro. Just being grateful for each other. Sa lahat ng pinagdaanan kumbaga, it only makes you stronger,” ang pahayag ni Gerald.
“Me, I’m most grateful for Ge. There’s too many things but I think one of the things I’m most grateful for siguro ‘yung he really makes me a better person. As cheesy at it sounds, it’s true. And he inspires me every day to achieve more, do more, and be more. Just be better in general,” sabi naman ni Julia.
Matatandaang sinabi ni Julia sa panayam ni Karen Davila na super secure siya sa pagmamahal sa kanya ni Gerald.
“The sense of security that I have, the sense of calm that I have, his kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person. He created such a safe and healthy environment in my life,” pahayag ng dalaga.
Sinagot din niya ang tanong tungkol sa mga plano nila ni Gerald about getting married, “I think that will come at the right time and I do feel very secure din in the relationship that we have and I am really happy. So I don’t have anything to worry about.”