Aminado ang aktres na si KC Concepcion na nais din niyang magkaroon ng sariling pamilya na kumpleto, na may masayang buhay mag-asawa at masaya at malulusog na mga anak sa malapit na hinaharap.
Sa panayam sa kanya ng “Iskovery Night” YouTube channel ni Isko Moreno, sinagot ng dalaga ng tanong sa kanya na “Where do you see yourself 10 years from now?”
“Sana may family na ako, sana gusto ko ng complete family, gusto ko ng happy marriage, happy children, healthy children. Gusto ko maging close kami ng family ko at ng magiging family ko gusto ko lang masaya lahat and foundation na ako by then na talagang working,” sabi ni KC.
Ang foundation na gustong magkaroon ni KC ay may kinalaman sa National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme at isa rin ito sa dahilan kung bakit naglilibot ang dalaga sa iba’t ibang bansa ay para magbigay tulong sa mga batang nangangailangan bukod sa kanyang jewelry business.
Natanong rin si KC kung ano ang hinahanap niya sa isang guy.
“May sagot po ako, alam ko na ‘yung ayoko (sa lalaki). Alam ko na ‘yung non-negotiable ko. “Ayaw ko ng sinisigawan ako, ayaw ko ng parang mape-pressure ka parang sakal ka, ayaw ko ng ganu’n based on the past. So, mas alam ko ang mga ayaw ko kaysa sa gusto ko,” paliwanag ng dalaga.
“What I like is somebody na good vibes, gusto ko ‘yung natatawa ako not comedian naman na parang joker o clown. Gusto ko ‘yung of course matalino, of course, ‘yung kaya niya ang sarili niya. Somehow may career siya (maabilidad sabi ni Yorme), because ganu’n din po ako. Gusto ko ‘yung may disiplina, may trabaho, may ina-achieve everyday and of course happy connection namin, ‘yung pag nakita mo ‘yung phone mo na siya (tumawag o nag-text), mag-i-smile ka. Ang gusto ko lagi akong naka-smile, marunong sa romance pero responsible rin sa buhay sa values,” dagdag niya.