Kasama sa latest offering ng Vivamax na original movie na “Haliparot” ang aktes na si Maui Taylor at sa totoo lang, may asim pa at hindi magpapatalbog si Maui sa mga kasabayan niya sa pelikula na sina Aiko Garcia, Matthew Francisco at Aerol Carmelo.
May mga eksena si Maui na kasama si Matthew at talaga naming no holds barred ang pagpapakita ng katawan at pakikipag-sex scene si Maui.
Ayon pa sa aktres, pumayag siyang gawin ang mga love scenes niya sa movie kung saan muli siyang nagpasilip ng boobs, dahil alam niyang kailangan sa istorya.
Ayon sa mga nakapanood, mas nagmarka ang mga drama moments ni Maui sa movie, lalo nang malaman niyang tinuhog sila ng karakter ni Matthew.
In fairness, bukod sa mga palaban sa hubaran at pakikipag-love scene ang tatlong bida ng pelikula, nagpakitang-gilas din sila nang bonggang-bongga pagdating sa aktingan.
Ang “Haliparot” ay mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, na siya ring nasa likod ng “Bula” na pinagbidahan ni Ayanna Misola at “Salamat, Daks” starring Ayanna again with Alma Moreno.
Ayon kay Direk Bobby, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya ang apat na bida ng “Haliparot,” “It’s my first time to work with the four of them. This is really meant to be a launching movie for Aiko, so given na siya sa cast.
“As for the others, someone suggested Maui and I said why not? I really like to work with her and she turned out to be so sweet on the set, never nag-complain. Si Aerol, I’ve met him before sa events ng Viva and he’s okay. As for Matthew, someone showed me his picture. I asked for a meeting and he turned out to be also okay. We had a workshop before the shoot and I’m lucky, kasi lahat sila, matatalinong aktor, lalo na si Aiko na very intuitive in playing her role as a teenage student. Kuhang kuha niya lahat ng facial expressions and nuances the role calls for,” sabi ng direktor.
Iikot ang kuwento ng “Haliparot” sa isang dalagita na nang matikman ang sarap ng unang karanasan, hindi niya mapipigilan ang tukso. Masusubok din ang relasyon nila ng kanyang ina sa pagdating ng isang lalaking magbibigay ng panandaliang kaligayahan.
Sina Libay (Maui Taylor) at Abigail (Aiko Garcia) ay mag-ina na malapit sa isa’t isa. Sa tagal ng panahon, silang dalawa lang ang magkasama at kakampi nila lagi ang bawat isa sa ano mang problema at pagsubok.
Sa liblib nilang lugar sa Sitio Una Deseo, kilala rin ang mag-ina dahil sa natatangi nilang ganda, at halos lahat ng lalaki doon ay nagkakagusto sa kanila, tulad nalang ni Gabo (Aerol Carmelo) na matagal ng may nararamdaman para kay Abigail.