Hindi makakalaro sa Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup ang tirador ng TNT na si Roger Pogoy dahil sa kanyang karamdaman sa puso.
May myocarditis si Pogoy at kailangan siyang maobserbahan pa ng mga doktor, ayon sa ulat ni Rey Joble ng Daily Tribune.
Sa simula ng torneo sa Nobyembre 5, aasa muna ang TNT kay Governors’ Cup Best
Import Rondae Hollis-Jefferson at dalawang kinuhang rookie, sina Jewel Ponferada at Henry Galinato, upang punuan ang pwestong babakantehin ni Pogoy habang siya ay nagpapagaling, ayon sa manager at coach ng team na si Jojo Lastimosa.
Hindi rin nakasali si Pogoy sa Gilas Pilipinas na nagwagi sa Asian Games sa Hangzhou, China at sa Cambodia Southeast Asian Games nitong Mayo dahil sa kanyang kondisyon.
Huling nakapaglaro siya sa FIBA World Cup na idinaos sa bansa.