Kinasuhan ng pamahalaang Singapore kahapon ang isang lalaking taga-Australia ng paglabag sa regulasyon nito laban sa terorismo dahil sa pagbibiro na may dala siyang bomba nang sumakay sa eruplano.
Dahil sa pagbibiro ni Hawkins Kevin Francis, 30 anyos, sa mga flight attendant ng Scoot Flight TR16 nitong Huwebes, kinailangang bumalik ng eruplanong nakalipad na papuntang Perth na may escort na fighter jet sa airport sa Singapore.
Pina-escort ang eruplano ng Singapore air force at ligtas naman itong lumapag.
Sanabi ng pulis na hindi totoo ang banta sa bomba.
Inaresto si Francis at siya’y nahaharap sa parusang 10 taong pagkakabilanggo, multang 500,000 Singaporean dollars o pareho kung napatunayang nagkasala.
Inutusan ng korte na masuri muna si Francis sa isang mental hospital bago dinigin ang kanyang kaso sa Oktubre 27.
Sa kanyang pagharap sa korte sa pamamagitan ng video conference, tinanong niya kung maaari siyang makauwi na s Australia ngunit sinabihan siyang hindi pa ito pwede.