Aminado ang aktres na si Kim Chiu na bata pa lamang ay talagang pangarap na niyang mag-artista at sa kanyang pagbabahagi ay naikuwento rin niya ang kanyang buhay noong wala pa siya sa mundo ng showbiz.
Ayon sa dalaga, wala silang permanenteng bahay noong bata pa siya at naranasan nitong wala silang pagkain kaya madalas siyang nagdarasal.
Nasabi ito ng “Linlang” lead star matapos maibahagi ng Mini Miss U contestant na si Olivian Namocco ang pagnanais nitong maging sikat na artista para magkaroon ng magandang buhay at sariling bahay dahil palipat-lipat sila ng tirahan.
Mukha namang naka-relate si Kim sa “sana” ng bata kaya napa-throwback ito sa mga pinagdaanan noong bata pa siya.
Dito ay nabanggit niya ang pagkakahalintulad ng karanasan nila ni Olivian.
“Gusto niya maging artista. Alam mo, share ko lang sa ‘yo, ganyan din ‘yung pangarap ko dati noong bata ako kasi palipat-lipat din kami ng bahay. Pero lagi ako nagpe-pray,” sabi ni Kim.
“Lagi ako nagpe-pray tapos wala din kaming food. Magkakapatid kami pero magkakahiwalay. Pero hinawakan ko yung ‘sana’ ko sa buhay. Gusto ko ganoon ka rin,” dagdag niya.
Matapos nito ay tuluyan na ngang naiyak si Kim.
Aniya, lahat ng “sana” o mga pangarap sa buhay ay magkakatotoo basts pagsisikapan itong maabot.
Ngayon nga ay natupad ni Kim ang kanyang pangarap at isa na siya sa mga tinitingalang artista sa Philippine showbiz.