Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes na tatlong Pilipino na ang naitatalang nasawi sa ginawang pag-atake ng militant group na Hamas sa bansang Israel nitong nakaraan.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, isang 49-anyos na babaeng caregiver na taga-Negros Oriental ang nakumpirmang nasawi sa nagaganap na bakbakan sa pagitan ng Israel at ng Hamas group.
“I regret to inform you that yes, it is confirmed there is a third Filipino casualty, a 49-year-old woman from Negros Occidental,” saad ni De Vega. “Her family is aware. The President is aware.”
Dagdag pa niya, ang babaeng caregiver ay kasama sa mga dumalo sa music festival na kabilang sa mga lugar na sinalakay ng Hamas na mula sa Gaza.
“There was a musical festival there and there were a lot of people who were killed attending that music festival, which was usually held during the Sukkot, which is an Israeli holiday. What we understand, she is one of the attendees and a lot of people died there,” sabi ni De Vega.
Ayon pa sa opisyal, isinailalim sa DNA testing ang mga labi ng naturang OFW para makumpirma ang kaniyang pagkakakilanlan.
“The embassy said morgue and Jerusalem police confirmed. It’s Filipino. The employer I think tweeted also,” sabi ni De Vega. “Why do you need testing? Why does it need time? Unfortunately, a lot of the bodies of those who were killed were mutilated or burned or so that’s why it is taking time.”
Sinabi rin ni De Vega, na mayroong pang tatlong Pinoy ang patuloy na hinahanap.
Nauna nang kinilala ang dalawang Pinoy na nasawi na sina Angeline Aguirre, isang nurse, at Paul Vincent Castelvi, isang caregiver.
Si Aguirre ay nasawi kasama ng kaniyang amo na pinagbabaril sa bomb shelter sa Israel.
Samantala, tanggap na ng pamilya Castelvi ng San Fernando, Pampanga na wala na ang kaanak nilang si Paul Vincent na caregiver sa bansang Israel na nasawi sa giyera.
Tinanggap na rin nila sa tulong at pakiusap ng manugang na hindi muna iuuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Paul Vincent.
“Magmakaawa yung manugang namin na ayaw nyang ipabiyahe nang nag-iisa si ‘Pol-Pol’, ang gusto niya pagbiyahe niya pauwi, magkakasama silang pamilya. So nakiusap siya sa amin na ipapa-cremate na yung body ni ano, so wala na kaming magagawa kung sa December pa siya uuwi, mabubulok na yung body ni Paul,” saad ni Castelvi.