Mariing pinabulaanan ng aktres na si Shaina Magdayao ang mga kumakalat na balitang nagdadalang-tao na siya at itinatago daw ito ng dalaga sa publiko.
Sa kanyang IG, dineny ni Shaina na may sanggol na sa kanyang sinapupunan at giit niya, sakaling mabubuntis man siya ay hinding-hindi niya ito ililihim.
Isang video ang in-upload ng aktres sa IG kung saan makikitang umiinom siya ng isang beer in can. Ito’y para patunayan sa kanyang mga kaibigan at social media followers na walang baby sa tummy niya.
“So… Been getting messages from family and friends for days now about some FAKE news that’s going around back home! My goodness, I am not pregnant, people,” ang pahayag ni Shaina.
Mariin pang sinabi ng dalaga na wala naman daw siyang nakikitang masama sakaling mabuntis at magkaanak siya ngayon dahil nasa tamang edad na naman daw siya.