Matapos magsampa ng kasong criminal sa power pink couple Vice Ganda at Ion Perez at sa internet sensation Toni Fowler, ang Kapisanan ng mga Social Media Brodkaster ng Pilipinas, ang target ng kanilang bagong salang na kasong criminal, ay ang Vivamax superstar Angeli Khang.
Six counts ng kasong criminal ang isinampa ng Kapisinan kay binibining Khang sa Pasay City Prosecutor’s Office. Para sa Kapisanan, idinemanda nila ang Vivamax star dahil sa paglabag umano nito sa Cyber Crime Prevention Act ng 2012 . Ibinahagi kasi ni bininibing Khang ang sa pakiwari ng Kapisanan ay “malalaswang videos” sa kanyang social media account.
Bukod kay Angeli, diumano may ikakasa rin ang Kapisanan para sa iba pang Vivamax stars na sina AJ Raval, Ayanna Misola at Azi Acosta.
Humingi ang inyong Tirada kolumnista ng opisyal na pahayag mula sa pamunuan ni Khang, Raval, Misola at Acosta. Ang maikli at mainam na tugon ni ginoong Jojo Veloso, manager: “Hindi ako pinag-co-comment ni Boss Vic del Rosario habang wala pa siya. Yung abogado ng Viva ang sasagot sa lahat.”
Ang isa sa pinaka-popular na pelikula ni Angeli Khang, ang “Selina’s Gold” kung saan ipinakita niya ang kanyang husay bilang pangunahing aktres. Itinanghal na Best Director si Mac Alejandre sa Wallachia International Film Festival.
Sa kasalukuyan, in competition ang pelikula ni Khang sa pang-apat na pagkakataon sa isang film festival na ginaganap sa Uruguay, ang Salto Independent Film Festival.
Kagagaling lang ni Angeli sa Busan Film Festival kung saan kitang-kita sa mga social media post na marami ang humanga sa dakilang ganda nito at hinhing natatangi. Siya ang naging brand ambassador ng Vivamax. Panalo ang balita na maraming film buyers mula sa mga banyagang bansa ang bumili ng pelikulang mula sa kumpanya.
Si AJ Raval, ipinakita rin ang brillo at galing bilang aktres sa “Sugapa,” sa direksyon ng award winning film direktor Law Fajardo. Ang kanyang leading man sa pelikula ay ang kasintahang si Aljur Abrenica.
Si Azi Acosta ay unang tumatak ang husay at halina sa “Sitio Diablo” ni cult direktor Roman Perez Jr. kung saan ang kanyang kapareha ay ang tinaguriang Pambansang Barako, si Benz Sangalang.
Si Ayanna Misola naman ay nagpaigting ng mga damdamin sa kanyang mga pelikyulang “Putahe”, “Bula” at “Ang Babaing Nawawala sa Sarili”.
Sa tamang panahaon magkaalaman kung may merito nga ba ang mga kasong isinampa ng Kapisanan sa mga artistang ito o sasabihin ng korte na wala itong merito.
Lahat ng mga babaing artista ay tahimik at walang kahit na anong opisyal na pahayag patungkol rito. Maging sina Viceral at Perez, pati na si Fowler, eh hinahayaan ang kanilang legal counsels na harapin ang mga usaping kanilang kinasasangkutan.
Tama ang katwiran nina Angeli Khang at iba pa, na huwag bigyang dignidad ang mga akusasyon.