Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na mayroon na ngayong “bagong kabanata” sa relasyon ng Pilipinas at Australia sa kamakailang pagbuo ng isang strategic partnership.
Ito ay kasunod nang patuloy na lumalagong kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa pagkatapos ng 77 taong relasyong diplomatiko.
Ayon kay Manalo, ang bagong apelasyon ay sumasalamin hindi lamang sa lakas ng pakikipagtulungan, kundi pati na rin sa lalim ng mga interes at pangako sa papel at mga responsibilidad ng relasyon ng Pilipinas at Australia sa umuunlad na geopolitical landscape.
Dagdag niya, ang depensa ay isang pundasyon ng kooperasyon ng Pilipinas at Australia.