Magbabalik na sa pag-arte ang It’s Showtime host na si Anne Curtis.
In-announce niya sa kanyang official Twitter account na may 15 million followers ang kanyang return to acting drama.
“Love you guys! Hahaha! Time for an acting comeback na. Soon!!!”
That was Anne’s tweet na ikinagalak naman ng kanyang followers.
At kahit hindi niya sinabi kung acting sa TV or sa movie siya magbabalik, marami ang nag-welcome kay Anne sa kanyang pagbabalik. Kanya-kanyang hanash sila kung sino ang gusto nila maka-work ni Anne. May iba gusto na movie ang unahin niya, there are others naman na nagsabing sana ay magbalik siya sa teleserye.
“Sana maka work mo si Jake Cuenca at Jodi Sta. Maria sa serye.”
“Sana magkaroon ka ng fantasy genre ulit kahit miniseries lang, Ms. @annecurtissmith
“OMG fantasy genre movie or series? Dyosa Part 2?”
“Looking forward for another action movie or series madam. gupitin niyo ulit yung ulo ng mga goons.”
“New serye sana. Paubos na ang reference. Hahahahahah.”
“Can’t wait to see u acting on national television.”
“I just love how you have remarkable films/series/performances from different genres! fantasy (kampanerang kuba, dyosa) action (buybust) horror (wag kang lilingon) drama (mskm, no other woman) historical (baler) romance (sid & aya) comedy (the gifted) I STAN A VERSATILE QUEEN.”
‘Yan ang comment nila sa post na iyon ni Anne.
Incidentally, tumalak ang It’s Showtime host sa isang basher na nag-comment ng, “Medyo papansin tong big lips na ‘to. Kulang na lang ipa-surgeon mo yang bunganga…”
Agad-agad ang reaction ni Anne. Hindi niya pinalampas ang pambabasag sa kanya as she said, “Hindi ko kelangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these lips or Bunganga, as you say.”
***
Nagpasilip si Richard Gutierrez ng kanyang training sa sword fighting habang nasa Tokyo, Japan kung saan gaganapin ang finale ng The Iron Heart.
Sa kanyang Instagram account ay makikita na may Japanese na trainer pa si Richard para lang ma-perefect ang laban nila ni Eros na ginagampanan ni Jake Cuenca.
Magtatapos na this week ang The Iron Heart kaya naman inaabangan ang finale episode nito sa Friday. Mukhang madugo ang magiging ending dahil may kaugnayan sa katana sword fighting ang gagawin nina Richard bilang Apollo at Jake bilang Eros.
Ang daming positive comment sa post na iyon ni Richard, most of them ay humihiling ng part 3 ng action series.
“The best serye of 2023 is iron heart and royal blood, yn tlg ung mgnd and wlng umay. Mgging lht NG gumanap both teleserye. Sna my nxt p kyong action serye n pgssmahn ni Jake.”
“Welcome to Japan boss Apollo, nakakatuwa at dito po ang final episode niyo. Congrattss po sana may season 3 pa hehe.”
“The success of the Iron Heart proves that hard work pays off. The audience reciprocates all the efforts of the team because the quality of the series is evident. With the continuous success of the show in terms of concurrent views and ratings, it deserves a Season 3. There’s more to explore and expand in the story. Hats of to the team!”
“The best serye of 2023 is iron heart and royal blood, yn tlg ung mgnd and wlng umay. Mgging lht NG gumanap both teleserye. Sna my nxt p kyong action serye n pgssmahn ni Jake.”
“Abangan namin ang pagtatapos ng napakagandang action teleserye na The Iron Heart pero sana may season 3 po.”