Sa kanyang angking kagandahan, tiyak na daragsa ang mga manliligaw kay Sanya Lopez ngayong open na siyang magkaroon ng love life.
Inamin ng bagong Kapuso star sa panayam kay Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA News “24 Oras” na pwede naman niyang pagsabayin ang trabaho at love life.
“Pero sabi nga nila, since medyo ready-ready na tayo, puwede na tayong… lumandi,” natatawang niyang pahayag, ayon sa ulat.
Excited naman ang bumida sa fantaseryeng “Mga Lihim ni Urduja” at ang “First Yaya” at “First Lady” sa kanyang bagong proyekto sa GMA Network sa 2024. Pumirma siya ng exclusive contract sa kumpanya nitong nakaraang linggo lamang.
Bago maging abala sa kanyang mga shooting, sinabi ni Sanya na balak niyang mamasyal sa Japan nang mag-isa.
Ngunit kung may sasama sa kanya, open din siya.
“Tara na,” sambit niya.