San Luis, Aurora – Patay ang isang pugante matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Ditumabo ng bayang ito Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang takas na si Godwindel Sardea y Bellen, residente ng Sitio Hacienda, Barangay Nonong, San Luis.
Nagkaroon ng manhunt operation ang mga operatiba ng Aurora Provincial Intelligence Unit (PIU), 1ST APMFC, 2nd APMFC, EODCU, at ng San Luis Municipal Police Station sa Barangay Ditumabo nuong Miyerkules ng umaga upang masakote ang suspek.
Pero ayon sa mga pulis, bigla na lang nagpaputok ang suspek kaya nakipagpalitan na rin ng putok ang mga otoridad.
Napatay ng mga rumespondeng pulis ang suspek at kasalukuyang dinala sa Aurora Forensic Unit ang bangkay upang maimbestigahan.
Nakulong ang suspek na si Sardea dahil sa kaso ng iligal na droga at baril. Ni Jonas Reyes