Iniulat ng mga otoridad na inaresto ng pulisya sa Iriga, Camarines Sur ang isang 22-anyos na lalaki matapos umanong gilitan ang kanyang limang taong gulang na lalaking pinsan.
Base sa mga ulat, dead on arrival ang bata matapos isugod sa ospital at nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa nasabing krimen.
Tinitingnan din kung gumagamit ng ilegal na droga ang salarin.
“Walang provocation sa part ng bata. Para raw kasing may boses na nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang pumatay ng tao para raw magkaanak siya,” sabi ni Police Captain Bella Cerno, spokesperson ng Iriga City Police Station.