HANGZHOU, China – Hindi na pinalampas ng boksingerong si Eumir Marcial ang pagkakataon na makapasok sa finals ng 80-kilogram boxing event sa 19th Asian Games at pinabagsak ang Syrian showboat na si Ahmad Ghousoon sa semifinals nitong Miyerkules sa Hangzhou Gymnasium dito.
Matapos i-outpoint ang Syrian sa unang round, naghatid si Marcial ng matinding left uppercut sa tiyan ng Syrian na nag-udyok kay referee Manuel Vilariuno ng Argentina na pansamantalang ihinto ang laban sa unang bahagi ng second round.
Pinilit ni Ghousoon na makabawi, ngunit pinakawalan ni Marcial ang isang nakamamatay na right hook sa ulo may 1:49 na natitira upang selyuhan ang kanyang panalo.
Ang tagumpay ni Marcial ay naging susi upang iporma na ang sudden-death duel laban sa hometown favorite Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China sa gold medal match sa Huwebes habang nagbu-book ng return flight sa Summer Olympics sa susunod na taon.
Siya ang naging ikaapat na Pinoy na nag-qualify sa Paris Games matapos na pormal na sungkitin nina EJ Obiena ng athletics, Carlos Yulo at Aleah Finnegan ng gymnastics ang kani-kanilang tiket.
Ngunit ang daan patungo sa Olympics ay puno ng mga luha at pagkabigo, lalo na matapos ang kanyang weight division – ang 75-kg class – ay natanggal sa Paris Games.
“I almost lost hope,” saad ni Marcial. “I told myself that the Olympics may no longer be for me because they already scrapped my (weight) division. I told myself that I should focus on the professional ranks, instead. But my family and friends convinced me to stay. They believed in me.”
Pinuri naman ni Philippine Olympic Committee Abraham “Bambol” Tolentino ang panalo ni Marcial.
“That’s Eumir. He’s very focused and dedicated, and he has trained well not only for the Asian Games but also for the Olympics,” saad ni Tolentino. “Now, we have a bright chance for another gold medal here and in Paris.”
“Eumir made us all very happy and very proud of his victory – but the job is not over here. He still has to fight for that gold against the Chinese and I am confident that he will be raising our colors in the end,” dagdag niya.