Umabot sa sampung katao ang nasawi matapos bumagsak ang bubungan ng isang simbahan sa Mexico nitong nakaraan.
Ayon sa mga otoridad, kasama sa mga nasawi ang limang babae, dalawang lalaki at tatlong bata habang mayroong 60 iba pang sugatan.
Naganap ang insidente sa Cidudad Madero sa Tamaulipas state.
Karamihang mga bata kasi ang binibinyagan sa lugar tuwing Linggo bago nangyari ang aksidente.
Nagpaabot na rin si President Andres Manuel Lopez Obrador ng kaniyang pakikiramay sa kaanak ng mga nasawing biktima.
Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing aksidente.
Samantala, 11 katao naman ang namatay matapos na bumagsak ang bubungan ng gymnasium ng isang paaralan sa China.
Karamihan sa mga biktima na nasawi ay mga menor de edad sa aksidente na nangyari sa Heilongjiang province.
Tanging walong katao sa 19 na nasa loob ng gymnasium ang nakaligtas.
Inaresto ng mga otoridad ang may-ari ng construction company dahil sa mahinang klaseng mga materyales na kanilang ginawa.
Inakusahan nila ang mga ito ng pagtapon ng perlite na isang uri ng volcanic glass habang may ginagawa sa ibang gusali.