Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaresto na umano ng mga otoridad sa Saudi Arabia ang suspek sa pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Marjorette Garcia na natagpuang may saksak sa katawan.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Cortes, sa ospital na umano pumanaw ang biktima na tubong Pangasinan.
“The police found her bloodied due to a stab wound, and they rushed her to the hospital where she died. As far as we were told by the [Philippine] Embassy, the suspect has been arrested by the local police, and the case is under investigation,” saad ni Cortes sa isang panayam.
“The suspect is not a Filipino. It appears that the suspect is her co-worker, but we are still waiting for the results of the investigation. Once the investigation is over, Saudi Arabia [authorities] will work on the documentation so her remains can be repatriated back to the Philippines,” dagdag pa niya.
Nakikipag-ugnayan ang DFA, Department of Migrant Workers at Philippinen Embassy officials sa Saudi Arabia sa pamilya ni Garcia.
Samantala, hustisya naman ang panawagan ng pamilya ni Garcia at nais nila na maiuwi kaagad ang kaniyang mga labi.
“Maya’t maya natutulala ako. Minsan naglalakad ako diyan naiiyak na ako. Iniisip ko yung anak kung paano siya pinatay,” saad ng ina ni Garcia.
Nagtirik sila ng kandila sa tabi ng larawan ni Marjorette habang hinihintay nila na maiuwi ang kaniyang mga labi.
Nagtungo sa KSA si Marjorette para magtrabaho noong 2021 sa hangarin na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.
Ang kapatid ni Marjorette na si Dennis, sinabing Setyembre 15 niya nang huling makausap ang kaniyang ate at nagbibiruan pa umano sila sa telepono.