Idiniin ng dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson na hindi niya umano uurungan ang diumano’y pang-iipit sa kanya ng estranged husband na si Victor Consunji at sa kanyang IG, inilahad niya na kasalukuyan siyang nahaharap sa sampung kaso na may kinalaman sa adultery at cyberlibel.
Sabi pa ni Maggie, karamihan sa mga kasong isinampa laban sa kanya ay mula kay Victor habang ang iba naman ay mula kay Rachel Carrasco. At mayroon ring mula sa business partner ni Rachel na si Kelly Parreño ngunit dismissed na raw ito.
Kung matatandaan, si Rachel ang sinasabing ng dating aktres na karelasyon ng kanyang estranged husband at ina ng baby ni Victor.
“The first was filed in June of 2022 (last year). There are 9 cases now. Since then, Consunji and Carrasco have welcomed a daughter born in February 2023,” saad ni Maggie at dagdag niya, 2021 pa nang nagdesisyon siyang tahimik na lumayo at kahit na “challenging” ang pagtatapos ng kanilang relasyon ngunit nais niyang maging mapaya ito para na rin sa anak nilang si Connor.
“In fact, I wanted things to be friendly, amicable, and blended (and still do). I have never closed or cut communications. I have always tried to find reason and common ground for the sake of our son, Connor,” sabi ni Maggie.
Pag-amin rin niya, ilang beses rin nilang sinubukan ni Tim Connor na mag-reach out privately kina Victor, sa pamilya nito at maging kay Rachel ngunit walang nangyari.
“They have our numbers and can call us anytime to talk things through. Instead, we have been blocked, bombarded with cases, harassed, and received threats. You’ve got to ask yourselves, WHY? Why file so many cases? What do they want? What is their end goal? What are they so afraid of, or what do they want to hide?” saad niya.
Dagdag pa niya, hindi porke tahimik ang kampo ng kanyang estranged husband ay wala itong ginagawang hakbang para pahirapan ang kanilang buhay.
Desidido umano si Maggie na ipaglaban ang kanyang karapatan at patuloy itong magsasabi ng kanyang saloobin sa social media at hindi ito magpapasindak sa mga ginagawang pagpapahirap laban sa kanya.